Tuesday, March 13, 2012

Umusad-usad Din

Nakapili rin ako ng pictures sa wakas. 530am na ako nakatulog kaninang madaling araw dahil pinag-tiyagaan ko na pumili ng photos. Kailangan ko nang simulan ito dahil almost 2 months na sa akin. Nakakahiya sa kliyente. Ipapa-print ko bukas tapos sana masimulan ko na gumawa sa Thursday. Ang deadline na binibigay ko sa sarili ko para sa project na 'to ay 24 March 2012. Hirap na hirap ako simulan ang project na 'to. Unang-una, more than 300 pictures ang pinagpilian ko. Pangalawa, ang hirap pala gumawa para sa iba. Nakaka-stress. Pangatlo, ang hirap humanap ng extra time. Ngayon pa naman parang lagi akong hinahatak ng kama para matulog *LOL* At pang-apat, dapat within the budget ang materials kundi wala na akong kikitain. Actually, wala nga halos akong kikitain. Kung meron may ay di sapat para sa pagod.

No comments: