Friday, March 09, 2012

Kids Fiesta 2012

Last day ng Term 1 kanina. 1 week school holiday. Parehong pang-umaga ang dalawang Kenkoy kaya naman after ng class nila ay tumuloy kami sa Kids Fiesta 2012 sa Ang Mo Kio Hub. Ipinasyal ko na sila duon habang kaunti pa ang tao. Siguradong puno pag weekends at ganun na din next week.




Sulit na sulit ang $10 per child na bayad. Dahil sa $10 may kasama ng 2 magazines, milk, aloe juice, maraming chichirya.



Sa $10 na yun, kasama na ang magic show, ang paglaro sa bouncing pirate ship, Lego displays & building corners at sa Kinect corner. Kaaliw si Kenkoy II, kaliit-liit pa eh nanalo sa Kinect. Naungusan nya ng kaunting-kaunti ang kalaban nya. Nakakatuwa lang dahil laki ng tangkad at tanda sa kanya ng kalaban nya.


At eto ang sulit na sulit sa magkapatid, ang Bouncing Pirate Ship :)



May kasama rin palang pag spin ng wheel for some prizes. At ito ang isa sa napanalunan namin...



Ayos di ba? May pang-family gimmick na naman kami. Nakalibre.

Tuwang-tuwa ang dalawang Kenkoy. Mga 330pm kami nakarating. Inabot kami ng hanggang 830pm. Dumating na rin si Labs from his work tapos nag-dinner kami sa Pepper Lunch. Sarap ng dinner namin. Friday, fasting & abstinence dapat. Fish naman yung order namin, yun nga lang masarap ang luto :P

1030pm na kami nakauwi. Sa mall pa lang nakatulog na si Kenkoy II. Buong byahe namin tulog din. Si Kenkoy naman, nag-toothbrush lang at nag-pyjama sabay tulog na rin. Napagod ng sobra. Kung sabagay maaga pa yung gising nila tapos walang afternoon nap at 5 hours na tuloy-tuloy na laro 'yun.

Pero nakakatuwa. Panay sabi ng dalawang Kenkoy na nag-enjoy sila. Yun naman din ang objective ng pagpunta namin duon. Success!


Thank you, Labs!
Thank You din po, Lord!


No comments: